KAPAYAPAAN – ito ay ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspeto ng buhay tulad ng isipan, kalooban pamilya, lipunang ginagalawan at iba pa.
ONLINE-nakakonecta sa kompyuter network o maaaring i-access ng kompyuter.
Kapayapaan at online, dalawang salita na halos 'di magkaugnay. Ngunit sa mabilis na usad at pagbabago ng panahon tungo sa pag-unlad at paglago ng teknolohiya ay sumasabay ang pakikipagbaka para sa kapayapaan.
Maraming benipisyo ang makukuha sa malawak na saklaw ng internet. Sa kasalukuyan ay ito ang pinaka popular na paraan upang makakonekta sa bilyon bilyong tao sa mundo. Ngunit sa kabila ng nakasanayan natin na pagpost, paglike,pagtweet, at pagfollow. Ang Medyang ito ay maaring gamitin upang magkaroon ng kamulatan sa maraming bagay. Isa na rito ang Kapayapaan.
Isang makabagong paraan ng pakikipaglaban para sa adbokasiya ng kapayapaan. Sa mga simpleng paraang ito ay marahil darating ang araw na makakamtan natin ang tunay na kapayapaan.
Sa lawak ng sakop na naabot ng makabagong teknolohiya ay hindi malayong magkakatotoo at madama natin ang matagal nang inaasam-asam na kapayapaan.
resources:
http://www.depinisyon.com/depinisyon-134456-online.php
http://mamsha.tripod.com/id48.html
No comments:
Post a Comment